Tuesday, September 04, 2012

When I Get Hurt (Chapter One)


When I Get Hurt Chapter One

Chapter One Break Up

(Eunicca Afenido's POV)



"Eunice..." Tumayo siya at niyakap ako.





"Oh? Ano yung pag-uusapan natin Ace?" Salubong ko na tanong. Nagmamadali kasi ako. Pupunta pa ko sa party ni Ate Eule.




"Eunice... I'm... I'm breaking up with you." Mahina niyang sambit.




Nalaglag ata ang panga ko. Bumagsak na lang rin ang mga luhang kanina ay wala naman.




"O-ow... Okay. I'm sorry! Gotta go!" Tapos tumakbo na ako paalis ng park.




Masakit. Sobra. Dahil na naman ba 'to sa hindi niya mapigilang pambababae? Palagi na lang. Palagi na lang ganito. Hindi na naging stable ang relationship namin.




Dumiretso na lang ako sa bahay. Simula nung first break up namin ni Ace nagalit na sa kanya si Ate Eule.



"Nicca?" Tawag sakin ng may-ari ng pagkalambing-lambing na boses.



Nagpunas ako ng luha saka lumingon.



"A-ate Eule! Bat di ka pa nag-aayos? Mamaya na yung part diba?" Pag-iiba ko ng Topic.



"Wag kang sumegway dyan! Ilang beses ko bang kelangan sabihin sayo na tigilan mo na si Ace? Eunicca masasaktan ka lang! And I don't want that to happen. AGAIN." Saad ni ate saka tumayo. "Mag-ayos ka na. Aalis na tayo maya-maya." Tapos umakyat na siya papunta sa kwarto niya.









No comments:

Post a Comment